Connect with us

National News

CEBU CITY, BAGONG EPICENTER NG COVID-19 SA PILIPINAS: DILG SEC. EDUARDO AÑO

Published

on

Cebu City na ang bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas. Inanunsyo ito ni DILG Secretary Eduardo Año sa isang programa sa telebisyon.

“Somehow we’re able to contain in the whole country but of course in the National Capital Region and Cebu we have to do more. Particularly Cebu, it’s the epicenter now compared to Metro Manila in area and population,” pahayag ni Año.

Kahapon lamang ay naka-record ang Cebu City ng 131 na kaso habang ang Metro Manila ay may 356 na bagong kaso ngunit  binubuo ito ng 17 na mga local government units.

“Complacency, eagerness to resume economic activities immediately” ito ang ilang dahilan umano ayon sa kalihim kaya’t tumaas ang kaso sa Cebu City.

Kabilang din dito ang pag-uwi ng mga Filipino migrant workers at mga residente na-stranded sa ibang lugar.

Samantala, kumalat naman sa social media ang mga pictures na isinagawa ang religious festival sa Cebu City kahit nasa ilalim sa Enhanced Community Quarantine ang naturang lungsod.

Sasampahan ng kaso ng local government at interior department ang mga organizers ng festival dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols.