National News
China pinagbabayad ng P60-M bilang danyos re: Ayungin shoal incident
SINISINGIL ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China ng P60 milyon bilang kabayaran sa mga gamit na sinira at kinuha ng Chinese Coast Guard noong Hunyo 17 sa Ayungin Shoal.
Hinarang kasi ang mga kawani ng Philippine Navy na magsasagawa sana ng Rotational and Resupply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner nagpadala na sila ng sulat kay Defense Secretary Gilberto Teodoro upang maiparating ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Dagdag pa ni Brawner, ang DFA na umano ang magpapa-abot nito sa kanilang counterpart.
Continue Reading