Connect with us

National News

Chinese Coast Guard, muling namataan sa Scarborough shoal 

Published

on

Photo Courtesy: South China Morning Post

Namataan muli ang Chinese coast guard sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea kung saan nagsagawa ito ng pagpa-patrolya nitong Biyernes, Disyembre 27 para masiguro ang seguridad ng territorial rights ng China.

Ayon sa Chinese-state television, patuloy ang pagpagpapalakas ng enforcement patrols sa kanilang kinasasakupan na karagatan simula noong unang linggo ng Disyembre.

Hindi naman nagbigay ng komento ang Philippine Embassy sa Beijing tungkol sa nasabing patrol ng Chinese coast guard.

Matatandaan na noong Disyembre 19, inihayag ng Philippine Coast Guard na nasa 12 Chinese vessels ang kanilang namataan sa parte ng Bajo de Masinloc.| via John Ronald Guarin