Connect with us

National News

Christmas bonus ng mga government employee, inaasahang matatanggap na ngayong linggo

Published

on

Photo from Philippine Star

MAKAKATANGGAP na ng Christmas bonus at dagdag na ₱5,000 cash gift ang 1.5 million na mga empleyado ng gobyerno simula ngayong Linggo.

Hinimok ni House Public Accounts Committee chairman Mike Defensor na dapat ibigay ang year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod, kasama ang 5,000 na cash gift sa mga manggagawa ng gobyerno ngayong buwan ng Nobyembre.

Aniya, batay ito sa ilalim ng Section 8 ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5.

Ayon pa kay Defensor, nakasaad rin ito sa National Budget Circular No. 579 na ipinalabas ng Department of Budget and Management noong Enero.

Dagdag pa niya, kung nai-release na ang pondo para sa bunos, maaaring maibigay na ito Huwebes o Biyernes.

“And since this week’s payday falls on Sunday, the bonus could be advanced as early as Thursday for personnel on a four-day workweek, or Friday for those on the usual five-day work schedule, or on Monday,” ani Defensor.

Continue Reading