Connect with us

National News

Christmas caroling ng mga bata pwede na sa Alert Level 2 – DILG

Published

on

Photo Courtesy| ABS-CBN news

Walang nakikitang problema si DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya sa pagsasagawa ng caroling sa National Capital Region (NCR) na ibinaba na sa Alert Level 2.

“Wala po tayong nakikitang paglabag sa caroling dahil alert level 2 na tayo,” sabi ni Malaya.

Paliwanag ng kalihim, sa open air naman isinasagawa ang pangangaroling at hindi naman ito ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa ilalim ng alert level 2 gaya ang videoke at paglabas ng mga bata sa mga mall, pasyalan at kainan.

“Under the alert level system, if (it is) not prohibited or regulated, (then it) is allowed,” saad pa niya.

Nagbigay din si Malaya ng paalala sa mga mangangaroling na sundin pa rin ang health protocols kontra COVID-19.

Magugunitang ipinagbawal ang pangangaroling noong nakaraang taon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa holiday season.

Continue Reading