National News
Christmas party sa December? Hindi pa siguradong papayagan ayon sa DOH
HINDI PA TIYAK ng Department of Health (DOH) kung payagan na ang Christmas parties sa kabila ng bumababanv kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pang i-monitor ang sitwasyon ng COVID-19 bago payagan ang nasabing aktibidad.
“For now, we cannot say that we are certain that we will be allowing these parties by December,” pahayag ni Vergeire sa media briefing.
Paalala pa ng opisyal, maaari pa ring mangyari ang transmission ng virus kahit may mga fully vaccinated na.
“Now when we talk about parties, we know that this will comprised of gatherings, crowding, close contact, minsan enclosed po ‘yung espasyo, at nandyan rin ‘yung posibilidad na maari rin po tayong magkasakit.”
“So ayun ang ating pinapaalala sa ating mga kababyan. Itong mga parties na ito siguro tingnan natin kung talagang mag tutuloy-tuloy ang pagbaba ng ating mga kaso and slowly we can go back to the usual things that we do,” paliwanag ni Vergeire.
Mababatid na inanunsyo ng OCTA Research na nasa moderate risk na ang lahat ng bayan sa National Capital Region.
Samantala nitong Huwebes, nakapagtala ang Pilipinas ng 7,835 bagong kaso ng COVID-19 habang aabot naman sa 84,850 ang active cases.