Connect with us

National News

COVID 19 HEALTH WORKERS AT FRONTLINERS, BIBIGYANG PUGAY SA SELEBRASYON NG “ARAW NG KAGITINGAN”

Published

on

COVID 19 HEALTH WORKERS AT FRONTLINERS

Magbibigay pugay ang bansa sa lahat ng mga frontliners na lumalaban kontra coronavirus pandemic kasabay ng selebrasyon ng “Araw ng Kagitingan” bukas, Abril 9.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, pinapayuhan niya ang lahat na makilahok sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang pintuan at bintana at palakpakan ang mga bagong bayani kada alas 5 ng hapon, simula bukas hanggang sa matapos ang lockdown sa Luzon.

Ayon pa kay Nograles ito ay sinpleng pagpapakita ng pasasalamat sa mga health workers, state troops, essential workers, government workers, media personnel at sa lahat ng pumapasok pa rin sa trabaho habang ang ibang mamamayan ay nananatili sa kani-kanilang tahanan.

“Inaaanyayahan po namin ang ating kababayan simula bukas…na tuwing alas 5 ng hapon, pumunta po tayo s pintuan at bintana at palakpakan nation ang mga bayani na nagtatrabaho sa ating mga frontlines”, ani Nograles.

Dagdag pa nito, “Sa mga gusto ng mas modern na approach dito, pwede rin tayo mag share ng videos nation via fb, Instagram o tiktok tuwing alas 5 ng hapon. Pwede rin tayo kumanta o sumayaw para sa ating frontliners para ipakita natin sa kanila at mapadalhan natin ng good vibes sa napaka challenging na panahong ito”.

Mamarkahan ng bansa ang ika-78th taon na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan bukas sa pagkilala ng kagitingan at katapangan ng pilipino at amerikanong sundalo na nakipaglaban sa Bataan noong WW2.