Connect with us

National News

COVID-19 VACCINE POSIBLENG MAGAMIT NA SA PAGTATAPOS NG TAONG 2020

Published

on

russia covid-19 vaccine

Posibleng magamit na sa pagtatapos ng taon ang vaccine kontra sa Covid-19.

Ayon ito kay Food and Drug Administration (FDA) Director General and Health Undersecretary Eric Domingo.

Aabot anya sa daan-daang vaccine ang na-developed galing sa China, US, London at Russia na nasa Phase 3 trial na.

“Well, nandyan po ang posibilidad. Hindi naman siguro October kundi by the end of the year,” saad nito.

Ayon kay Domingo ang Phase 3 trial ay maaring matapos sa loob ng dalawa o tatlong araw.
Depende umano sa resulta pagkatapos ng Phase 3 at posible na umano ito bago matapos ang taon.

Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa sigurado ang vaccine sa buwan ng desyembre sa kabila nang pag-unlad ng Russia tungkol sa Covid-19 vaccine.

“Ang huling update natin ay sa Russia mukhang nasa Phase 2 clinical trial pa lamang at patapos pa lamang. Kaya siguro nagulat ang buong mundo na biglang kine-claim nila na approved na”, saad nito.

Dagdag pa nito hindi nila alam kung ano yung approval process na nangyari sa Russia o baka talagang nag-approve na sila pagkatapos ng Phase 2 o talagang kumpleto na ang Phase 3.

Sinabi pa ni Domingo na ang FDA ay kukuha ng mga impormasyon tungkol sa pag-apruba ng Sputnik V vaccine.