National News
DAGDAG NA BENEPISYO PARA SA MGA MEDICAL FRONTLINERS, INAPROBAHAN NI PDU30
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng mga gabinete na dagdagan ang benepisyo ng mga healthcare workers na nangunguna laban sa COVID-19.
Kabilang dito ang risk allowance para sa mga private medical workers na gumagamot sa mga COVID-19 patients ang cash aid mula P10,000 – P15,000 para sa mga infected, life insurance, free accomodation, free transportation ganon din ang free at frequent testing.
Inaprobahan din ni Duterte ang pag hire ng halos 10,000 medical professionals at pagbibigay ng 20 million face masks sa mga mahihirap para sa public compliance ng minimum helth standards.
Ang rekomendasyon ng mga gabinete ay bilang tugon sa mga concerns na ipinaabot ng mga medical frontliners noong Sabado kung saan nanawagan sa gobyerno na magpatupad ng two-week ECQ sa Metro Manila.
Maliban sa apelasyon ng pagpapatupad ng ECQ, nanawagan din ang mga healthcare professionals sa gobyerno ng dagdag na workforce, ang over-reliance sa antibody tests na inaccurate ang resulta at kakulangan ng mga contact tracing at quarantine facilities sa bansa.