Connect with us

National News

Dagdag sahod sa mga guro sa 2021, tiniyak ng DepEd sa kabila ng pandemya

Published

on

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na mabibigyan ng karagdagang sahod ang mga guro sa taong 2021. Sinabi ito ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, sa virtual press briefing.

Ayon sa kanya, ang karagdagang umento ay sa ilalim ng proposed budget sa 2021 na nasa higit ₱605-billion.

“By next year meron naman pong salary increase. Meron pong kasiguraduhan sa ating mga guro na naka-employ ngayon,” wika ni Sevilla.

Aniya, bahagi ito ng second tranche ng Salary Standardization Law na naipasa noong 2020.

Naglaan umano ng P475 bilyong pondo para sa personnel services kung saan kabilang ang suweldo, allowance at iba pang benepisyo para sa mga empleyado.

Pasok din sa naturang budget ang pondo para sa hiring ng mga karagdagang mga guro sa bansa.