National News
Dapat may breaktime: DOH sa online classes ng mga estudyante
PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng DepEd na mas pahabain ang oras ng mga estudyante sa online classes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi puwede na nakaupo at nakatingin lang sa computer ang mga bata sa loob ng walong oras.
Dapat aniya na mabigyan ng breaktime at physical activities ang mga estudyante.
“Kailangan tumatayo tayo sila. May break time para hindi strained ang eyes, hindi strained ang back,” saad ni Vergeire.
“And kailangan varied yung activities na binibigay katulad ng storytelling (And the activities should be varied like storytelling).”
Sa isang panayam, sinabi ng isang DepEd official na may ilang adjustments pa na plano ang DepEd bukod sa extension ng oras sa klase dahil sa pandemic.