National News
Dating Mandaluyong Mayor na si Benhur Abalos Jr., itinalaga bilang MMDA Chairman
PINANGALANAN na ang bagong Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si dating Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhr” Abalos Jr.
Kinumpirma mismo ito ni Senator Christopher “Bong” Go at MMDA General Manager Jojo Garcia kahapon, araw ng Linggo.
Pinalitan ni Abalos si dating MMDA Chairman Danilo Lim na pumanaw noong nakaraang linggo matapos magpositibo sa COVID-19.
Naglingkod ng dalawang termino bilang mayor ng Mandaluyong City si Abalos noong 1998 hanggang 2004 at mula taong 2007 hanggang 2016. Ang maybahay nito na si Carmelita Aguilar-Abalos ang siyang kasalukuyang mayor ng Mandaluyong City.
Si Abalos ay anak ng dating Commission on Elections (Comelec) na si Benjamin Abalos Sr. ay nanilbihan ding MMDA Chairman mula taong 2001 hanggang 2002.
Pangungunahan ni Pangulong Rodgrigo Duterte ang panunumpa ni Abalos na isasagawa sa Malacañang ngayong hapon.