Connect with us

National News

Dating pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na sa edad na 61

Published

on

Pumanaw na ang dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong araw, alas 4:30 ng umaga, sa edad na 61.

Kinumpirma ito ni dating press undersecretary Danny Gozo.

Naiulat na isinugod si Aquino sa Capitol Medical Center sa Quezon City kaninang madaling araw at kinalauna’y pumanaw rin.

Ayon sa opisyal na pahayag ng pamilya, renal failure as a result of diabetes ang sanhi ng pagkamatay ni Aquino.

Nakipaglaban ang dating presidente sa iba’t ibang mga sakit mula pa noong taong 2019.  Sumailalim siya sa dialysis sa loob ng mahigit limang buwan at kamakailan lang ay sumailalim din sa isang operasyon sa puso.

Si Aquino ay nag-iisang anak na lalaki ng dating presidente na si Corazon Aquino at dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Dumating sa ospital ang kapatid ni Aquino na si Kris kaninang alas-9 ng umaga.

Namataan din sa ospital ang mga kaalyado ni Aquino sa Liberal Party na sina dating Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras at dating senador Mar Roxas.

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa iba’t ibang mga political personality sa loob at labas ng bansa para sa naulilang kapamilya ng ika-15 na pangulo ng bansa. Nagsilbing pinuno ng estado si Aquino mula 2010 hanggang 2016.

Continue Reading