Connect with us

National News

Dating presidential spox Harry Roque, kinasuhan ng human trafficking

Published

on

Harry Roque during the House of Representatives Quad-Committee photo
PHOTO: HOR/FB

Kinasuhan ng human trafficking si dating presidential spokesperson Harry Roque at dalawang iba pa dahil sa pagkakasangkot umano nito sa Lucky South 99 Corporation, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na ni-raid sa Porac, Pampanga.

Sa complaint na inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Lunes sa Department of Justice (DOJ), idinagdag si Roque, Mercedes Macabasa at Ley Tan kay Cassandra Li Ong at 53 na iba pa na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan ng RA 10364 at RA 11862.

Sa isang panayam, sinabi ni Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) prosecutor Darwin Cañete na kasama si Roque sa may mga aktibong partisipasyon sa mga iligal na aktibidad ng Lucky South 99.

Mayroon umanong testimonya mula sa assistant vice president ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) na pumunta si roque at Ong sa kanilang opisina noong July 26, 2023 para sa isang meeting at ilang beses pa raw bumalik si Roque para sa license renewal nito.

Si Tan ay nagsilbi naman umanong head ng accounting department ng kompanya habang si Macabasa naman ang security compliance officer.

Itinanggi ni Roque na may kinalaman siya sa operasyon ng iligal na POGO hub at siniguradong haharapin ang mga kaso laban sa kanya. MAS