Connect with us

National News

DBM, inaprubahan ang PhP 5 bilyon dagdag pondo para sa 4Ps grants ng FY 2023

Published

on

Inaprubahan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang paglabas ng dagdag na PhP 5 bilyong pondo para sa mga proyekto ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Makakatulong po ito para maibsan ang epekto ng inflation sa ating mga kababayan. The DBM will do its part to streamline budget processes so that our citizens benefit from faster and more efficient delivery of essential services such as our 4Ps,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Manggagaling ang pondo sa Fiscal Year (FY) 2023 Continuing Appropriations (Republic Act No. 11936) at gagamitin upang mapunan ang FY 2023 4Ps grants na hindi pa naire-release, dahilan upang ma-deactivate or pansamantalang matigil ang mga benefits ng mga beneficiaries sa aabot sa 703,888 households.

Binigyang-diin ni Secretary Pangandaman ang kahalagahan ng paggawad ng dagdag pondo sa 4Ps at sinabing malaki ang maitutulong nito upang maibsan ang kahirapan at mabigyag-suporta ang mga low-income families sa bansa.

“Through this allocation, the DSWD can continue its critical work without interruption, providing much-needed assistance to our most vulnerable citizens,” giit ni Pangandaman.

Iniulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) nung nakaraang buwan na higit sa 420,000 households ang gumradweyt na mula sa 4Ps o natukoy na bilang self-sufficient mula noong huli niyang SONA.

“With a noble aim of breaking the cycle of poverty across the country, the 4Ps has not only consistently accomplished its annual target, it has also proven its efficacy over the years,” ani Marcos.

Itinuturing na haligi ng social protection strategy ng pamahalaan ang 4Ps kung saan namamahagi ito ng conditional cash transfers sa mga mahihirap na pamilya upang mapabuti ang kanilang “health, nutrition, and education outcomes”.

Paigtingin umano ng dagdag na pondo ang mga inisyatibo ng programa at maaabot ng ayuda ang mas maraming pamilya.

Continue Reading