Connect with us

National News

Death penalty delikado sa inosenteng mahihirap – Sen. Poe

Published

on

Delikado ang mga inosenteng mahihirap kapag binuhay muli ang parusang kamatayan ayon kay Senator Grace Poe.

Kasunod ito ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga may kasong sangkot sa ilegal na droga o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Iginiit ng Senadora na mahihirapan ang mga mahihirap na maipagtanggol ang kanilang sarili sa korte at mapatunayan ang kanilang pagiging inosente dahil sa kakapusan sa pera.

“We must also protect the lives of the defenseless and disadvantaged from the peril of injustice,” reaksyon ni Poe sa gusto ni Pangulong Duterte.

Diin ni Poe, kailangan na ang pag-reporma sa sistema ng hustisya sa bansa.

Continue Reading