International News
Death toll sa landslide sa India lagpas 150 na, rescue ops nagpapatuloy
Patuloy pa rin ang rescue operation sa Kerala, India matapos ang nangyaring pagguho ng lupa na ikinamatay ng daan-daang indibidwal.
Lumagpas na sa 150 ang death toll at inaasahang madadagdagan pa ang bilang dahil sa dalawang landslide sa Wayanad.
Hirap ang mga rescue workers dahil sa malakas na ulan, kawalan ng kuryente at sirang mga tulay at kalsada.
Gumamit na rin sila ng helicopter pero pahirapan dahil sa masamang panahon ayon sa state health minister.
Nasa 1000 katao na ang narescue batay sa Indian Army southern command.
Inanunsyo naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi na magbibigay sila ng $2,400 sa mga pamilyang namatayan at $600 sa mga nasugatan.
Continue Reading