National News
Delivery ng Sputnik V vaccines naantala, mga tuturukan ng 2nd dose nababahala
Idinaan ng ilan sa social media ang kanilang pagkabahala dahil halos isang buwan na silang hindi nakakatanggap ng second dose ng Sputnik V vaccine.
Inamin mismo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaantala ang pagdating ng Russian vaccine Sputnik V sa bansa ngayong buwan pero hindi na ito nagbigay ng dahilan.
“We are now making a memorandum on the delay of Sputnik V with DOH. We will make a public pronouncement,” ani Galvez.
Iniulat ni Galvez noong Lunes na kabuuang 22.7 million doses ng bakuna ang matatanggap ng bansa mula sa iba’t ibang manufacturers ngayong Agosto.
Batay sa Advisory No. 62 ng National COVID-19 Vaccination Operation Center (NVOC), ang second doses ng COVID-19 ay pwede pa na maiturok kahit na lumagpas na sa inirekomendang dose interval.
Matatandaan na naantala rin ang delivery ng 170,000 doses ng Sputnik V na naka-schedule sa unang linggo ng buwan na dumating noong JJuly 9 at 10.