Connect with us

National News

Dep-Ed, umaasang matutuloy na ang pagbubukas ng klase sa October 5

Published

on

Umaasa ang Department of Education na matutuloy na sa darating na Oktubre 5 ang pagbubukas ng mga klase sa bansa.

Naniniwala naman si Education Secretary Leonor Briones, na ito na ang magiging final adjustment para sa pagbubukas ng klase.

Mababatid na una nang naantala ang school opening kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit naman ni Briones dahil sa nangyaring delay, nagkaroon pa ng panahon ang Dep-Ed na maayos ang problema sa distance learning kabilang ang pagbibigay ng mga alternative learning delivery modalities.

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang paghahanda ng ahensya kabilang ang dry run simulations para sa blended learning at pagbibigay ng printed learning modules.