National News
DepEd ilulunsad ang Ikalawang National Tech-Voc Day sa Martes
Ilulunsad ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ang ikalawang National Tech-Voc day sa bansa, sa darating na Martes Agosto 27, 2019.
Gaganapin ito sa F.F. Halili National Agricultural School, Sta. Maria Bulacan at magsisimula ng alas-8:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ayon sa DepEd, ang National Tech-Voc Day ay ipinagdiriwang batay sa Republic Act No. 10970 o An Act Declaring the Twenty-Fifth Day of August of Every Year as the National Tech-Voc Day.
Layunin nito na itaguyod ang pagmamahal ng mga mag-aaral sa agrikultura.
Ilulunsad din sa parehong araw ang Techvoc Agri Expo, na may temang Agring-Agri sa Pag-unlad sa TVE (Technical Vocational Education).
Kung kaya’t inaanyayahan ng DepEd ang lahat na makilahok sa Agri Expo.
Inaasahan rin na dadalo sina Senator Cynthia Villar at DepEd Bureau of Curriculum Development Director Jocelyn Andaya.
Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/ikalawang-national-tech-voc-day-ilulunsad-sa-martes-deped