Connect with us

National News

DEPED, MAGBIBIGAY NG P5K CASH ALLOWANCE SA MGA GURO SA UNANG LINGGO NG KLASE

Published

on

Photo: DepEd/FB

Magbibigay ang Department of Education (DepEd) sa mga guro sa pampublikong paaralan ng tig-P5,000 cash allowance bilang tulong sa paghanda para sa parating na school year.

“Lahat po ng teachers, makakatanggap. Ibababa po iyan sa, I think, mga school division. I’ll confirm [the details] pero lahat po ay makatatanggap by August 22 noong P5,000 cash allowance,” pahayag ni DepEd spokesperson Michael Poa sa joint press conference kasama ang Office of the Vice President.

“Mga chalk and all that should be part of the MOOE of the schools. Itong P5,000 ay lalo na iyong mga kailangan ng internet connection parang additional assistance lang po talaga iyan for our teachers,” dagdag nito.

Bukod sa pagbibigay ng cash allowance sa mga guro, sinabi ni Poa na tinitingnan din ng DepEd ang posibilidad na mabigyan sila ng mga ‘loan’ at iba pang non-financial benefits.

Samantala, sinabi din ng kalihim na inaasahang tataaas ang sweldo ng mga guro bago ang taong 2023.

Continue Reading