Connect with us

National News

DEPED, PINAG-AARALAN ANG POSIBLENG PAG-USOG NG KLASE PARA SA SY-2020-21

Published

on

Pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan ng Department od Education (DepEd) ang posibleng pag-usog ng pagbubukas ng klase para sa school year 2020-21.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, nagsasagawa na sila ngayon ng survey at kinukonsulta na rin nila ang mga magulang at mga komunidad hinggil sa naturang usapin.

Sa sandali anya na maiusog ang school calendar 2020-21, marami ang masasagasaan na mga holidays. Dagdag pa anya na magiging permanente na ito kung magkakaroon ng adjustments sa school calendar para sa susunod na school year.

Pero iginiit nya na mas mahalaga pa rin sa kanila ang nilalaman ng school curriculum.

Sa ngayon ang home school at DepEd commons na isang online educational platform ng kagawaran ang pansamantalang ginagamit na pamamaraan ng pagtuturo sa mga bata habang nasa ilalim pa ng enhance community quarantine (ECQ) ang buong Luzon dahil sa coronavirus disease o COVID -19.