Connect with us

National News

DepEd, planong ilipat sa digital version ang mga printed self-learning modules (SLMs); 5.3 milyong estudyante naka-enroll na

Published

on

digital version of printed self-learning modules

Nag-paplano ang Department of Education (DepEd) na ilipat mula sa printed self-learning modules (SLMs) patungo sa digital version ng mga learning material, ayon sa isang official nitong Huwebes.

Sapagkat, magpapatuloy pa rin ang remote learning sa mga paaralan sa buong bansa dahil sa patuloy na banta ng pandemiya.

“The effort now is really to slowly digitize iyong laman nitong mga (the contents of these) printed modules,” sinabi ni Education Assistant Secretary Malcom Garma sa ABS-CBN News.

“Considering that the use of paper would have an environmental cost and, at the same time, mahirap i-sustain in the long run kasi consumables talaga ito, so nasisira siya. Lalo ngayon, kung magkakaroon ng pag-ulan, pagbaha, pagbagyo. Very vulnerable itong mga learning materials na ito,” aniya.

Para sa mga estudyanteng walang internet connectivity, ang mga materials ay ilalagay sa loob nfg USB, kung saan maari itong i-accesed sa pamamagitan ng ibang gadgets.

“It may not be the laptop, it may not be iPad, even an ordinary smartphone can be utilized for these gadgets, [our] digitized modules,” sabi niya.

Dagdag pa ni Garma, na bukod sa mga efforts na i-digitilize ang mga learning material, gumagawa rin ng paraan ang DepEd upang matiyak ang stable internet connection at mabigyan ng gadgets ang mga guro at mag-aaral.

Naisip nila ito, sapagkat ayon sa kamakailang pag-aaral ng National Research Council of the Philippines (NRCP), nakita nila na ang internet connectivity at speed ang naging major challenges na nararanasan ng mga guro sa pag-iimplement ng distance learning.

Batay kay Garma, nakikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of Information and Communications Technology at sa National Telecommunications Commission upang ma-improve ang connectivity infrastructure sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

5.3 million learners enrolled

Ayon sa ulat ng DepEd, umabot sa 5.3 milyong mga estudyante ang naka-enroll ngayong school year 2021-2022.

Base sa bilang ng mga enrollment, may kabuuang 5,356,643 mga estudyante ang naka-enroll nitong Huwebes, 2 a.m, kung saan 4,557,327 ay naka-register na noong Hunyo 2, 7 a.m pa.

Samantala, may 734,306 mga estudyante ang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan, habang 63,102 namang mag-aaral ang naka-enroll sa mga private institutions.

Nanatili sa 1,908 ang mga estudyante na naka-enroll sa mga state universities and colleges or local universities and colleges.

Batay kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, mayroong “considerable” delay sa pag-uulat ng data.

“I also caution against making some conclusions at this stage; it is still too early. There is a considerable lag in reporting; for example, some schools collate first the enrollment forms, particularly those through drop-box, before reporting,” aniya.

Magsisimula ang School year 2021-2022 sa Setyembre 13, kung saan, na-aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte; blended learning pa rin ang modality dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

With reports from Inquirer.Net and ABS-CBN