National News
DFA: Tulong mula sa international donors para sa COVID-19 response, umabot na sa mahigit P30-million
Umabot na sa 34 million pesos ang halaga ng tulong mula sa iba’t-ibang bansa at international organizations ang natanggap ng gobyerno para sa pagtugon nito sa coronavirus disease 2019, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Aniya ng DFA, ang mga donasyon ay nagmula sa limang foreign states at apatnapung domestic donors na ipinadaan sa Office of the Civil Defense.
Maliban sa halaga, nakatanggap rin ng in-kind donations ang gobyerno mula sa limampu’t limang donors sa ibang bansa.
Nakatakda naman ilunsad ng pamahalaan ngayong araw ang Philippine Humanitarian Assistance Registry website, para matiyak ang transparency at accountability sa pangangasiwa at paglalaan ng resources sa mga benepisyaryo lalo na ngayong may pandemya.
Ang PHAR ay magsisilbing pangunahing government website para sa impormasyon, tanong at proseso sa lahat ng local at foreign humanitarian assistance sa gobyerno.
Kasama na rito ang in-kind at financial donations, deployment ng humanitarian workers para COVID-19 at iba pang pandemya sa hinaharap at mga kalamidad.
Via: Radyo Pilipinas