Connect with us

National News

DICT, inaasahan ang mabilis na internet speed sa Pilipinas sa July 2021

Published

on

Inaasahan na tataas sa 55 mbps mula sa 3 to 7 mbps ang internet speed sa bansa sa Hulyo 2021.

Base ito sa resulta ng high-stakes competition ng tatlong malalaking telecommunications companies sa bansa: Smart, Globe at Dito Telecommunity.

Ang Dito Telecommunity ang ikatlong naisama sa Information Technology sector. Ito ay ang Philippines-China business joint venture.

Inihayag ito ni National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba matapos ang hearing ng Senate committee budget na pinangunahan ni Senator Panfilo Lacson.

Ayon kay Cordoba napilitan na makipag kompetensya Globe at Smart sa Dito para sa mas mainam at maaasahang internet connection.

‘’And they are spending so much on their capital expenditures. Si Globe po for 2020, ang gagastusin nila ay $1.6 billion at si Smart naman po ay nasa P70 billion. Because of the entry of Dito,’’ wika ni Cordoba.

Batay naman kay Department of Information Communication and Technology (DICT) Secretary Gregorio B. Honasan II, may twin initiatives ang ahensya sa common tower policy na kung saan ang tatlong players ay gagamit ng single platform.

Ayon kay Cordoba, nangako ang Dito ng internet speed na 27 mpbs sa unang taon ng kanilang operasyon na isasailalim sa independent auditor.

Handa naman daw magbayad ng penalidad ang Dito kung hindi ito maipapatupad.

Mababatid na ang Pilipinas ay isa sa may pinakamahinang internet speeds sa Southeast Asia.