Connect with us

National News

DILG: 1,502 cell site permits sa bansa aprubado na

Published

on

Image|©Newsbytes.ph

Naaprubahan na ang 1,502 cell site permits sa buong bansa ayon sa ulat ni Interior Secretary Eduardo Año kay Presidente Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Ayon kay Año, may 428 na aplikasyon nalang ang nakabinbin at hindi pa naaprubahan ng Local Government Units (LGUs).

Apat na telecommunications companies ang nag-apply ng permit para makapagtayo ng cell towers sa 55 probinsya at 25 siyudad sa bansa.

Ilan sa mga kumpanyang ito ay ang Globe Telecom, Smart, at Dito Telecommunity Corporation.

Diin ni Año, naaprubahan ang mga naturang aplikasyon dahil sa pinasimpleng proseso sa ilalim ng joint memorandum na nilagdaan ng mga kinauukulang ahensya upang bawasan ang mga requirements na hinihingi sa mga telcos na nais magtayo ng cell sites.

Umaabot ng 241 days, 19 permits at 86 na documentary requirements ang kailangan bago maaprubahan ang pagtayo ng site ng telco. Ngayon, 16 days, 8 permits at 35 documents nalang ani Año.

Unang idinahilan ng Globe na mabagal ang proseso ng permit sa pagtatayo ng cell sites ang isa sa mga hadlang sa pag-aayos ng kanilang serbisyo.