Connect with us

National News

DILG sa LGUs: Videoke dapat i-ban sa oras ng online classes

Published

on

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magsagawa ng ordinansa na magbabawal sa videoke at iba pang maiingay na aktibidad sa oras ng online classes.

Sa ipinalabas na statement ng ahensya, inihayag ni DILG Secretary Eduardo M. Año na puwedeng mabulabog ang mga estudyante sa mga maiingay na sounds habang may online classes o nagsasagawa ang mga ito ng school-related activities sa kanilang mga tahanan.

“Bilang mga disiplinado at responsableng mga magulang at mamamayan, tulungan natin ang ating mga estudyante na mabigyan ng tahimik at payapa na kapaligiran para sila ay makapag-aral ng mabuti sa kani-kanilang mga tahanan,” pahayag ni Año.

Ang naturang anunsyo ay suporta sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan sa mga unit commanders at chiefs of police.

“To coordinate with their respective LGUs to either enact or modify their existing local ordinances against the use of videoke and other activities that create unnecessary noise that would disturb the students in their study at home,” nakasaad sa direktiba.