Connect with us

National News

DILG SEC. AÑO, NAGBABALA SA PUBLIKO NA SUNDIN ANG MGA POLISIYA PARA MAIWASAN ANG SECOND WAVE NG COVID 19 SA PANAHON NA TANGGALIN ANG LOCKDOWN

Published

on

Nagbabala si Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año sa publiko na patuloy na sumunod sa mga polisiya kontra COVID 19 at sa “new normal” sa oras na tanggalin na ang lockdown para maiwasan ang second wave ng COVID 19.

Ayon kay Año, Hindi siya papayag na matulad ang Pilipinas sa ibang bansa na muling tumaas ang kaso ng COVID 19 matapos tanggalin ang lockdown.

Pinanindigan ng kalihim na mahalaga na aspeto ang ugali ng mga mamamayan sa desisyon kung babawiin o Hindi Pa ang enhanced community quarantine at general community quarantine dahil ito ang magiging basehan kung patuloy Pa na kakalat ang virus.

Nakadepende na rin anya sa mga mamamayan kung maiiwasan ng bansa ang second wave ng virus. Hinalimbawa ni Ano ang nangyari sa Singapore na ang akala nila ay matagumpay nilang napigilan ang pagkalat ng virus subalit sa ngayon biglang bumulusok pataas ang kaso sa kanilang bansa.

Dapat umanong makasanayan na ng mga residente ang ‘new normal’ tulad ng regular na pagsusuot ng face mask, pagsunod sa physical distancing at madalas na paghugas ng kamay hanggang sa matuklasan na ng mga eksperto ang bakuna sa naturang sakit.