National News
DISTRIBUSYON NG 2ND TRANCHE NG SAP, SISIMULAN NA NGAYONG LINGGO –DSWD
Inanunsyo ni DSWD Usec Rene Glen Paje na sisimulan na ngayong linggo ang pamimigay ng second tranche ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Nilinaw ni Paje na uunahin sa distribusyon ang mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na dumaan na sa deduplication process.
Ito ay para masiguro na isang ayuda lang ang kanilang matatanggap.
May 1.3 million na mga 4Ps beneficiaries na cash card holders sa mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine ang makakatanggap ng cash aid sa 2nd tranche ng SAP.
Hinahanda naman na ayon kay Paje ang pagbibigay ng ayuda sa mga waitlisted na hindi nakatanggap sa unang tranche ng SAP.
Continue Reading