National News
DOF, nais mag-loan muli sa World Bank para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong Odette
Nagpa-plano ang Department of Finance (DOF) na mag-loan sa World Bank disaster response loan upang mapondohan ang rehabilitasyon ng mga lugar na apektado ng Bagyong Odette.
“World Bank has been put on notice,” sinabi ni Dominguez sa mga reporters nang tanungin siya sa pang-apat na disaster risk management development policy loan ng bansa na nilagdaan noong Nobyembre.
Ang fourth disaster risk management development policy loan ay isang contingent fund na naglalayon na maprotektahan ang fiscal health ng gobyerno matapos matamaan ito ng natural disasters at disease outbreaks.
“Amount to be drawn will be determined as soon as the respective agencies provide the figures to the DBM [Department of Budget and Management]/DOE and approved by the Office of the President,” paliwanag ng finance chief, batay sa ulat ng Manila Bulletin.
Ngunit, sinabi ni Dominguez na kailangang magdeklara ng state of calamity para ma-release ang World Bank loan na nagkakahalaga ng $500-milyon.
“Funding for rehabilitation after the typhoon is assured from the recently signed $500 million loans from the World Bank. Upon the declaration of state of national calamity, the required funds will be immediately drawn,” aniya.
Mula sa mobile message ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, tiniyak ni Dominguez na mag-rerekomanda ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Pangulo na mag-deklara ng state of calamity.
Ayon sa World bank, ang bagong pagpapautang ay sumusuporta sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno na i-strengthen ang disaster response pati na rin ang recovery policies at planning, kabilang din dito ang pag-mainstream ng paggamit ng pre-approved disaster rehabilitation at recovery plans.
(Manila Bulletin)