National News
DOH at DepEd gumagawa ng guidelines para sa paghahanda ng face-to-face classes
Gumagawa ng joint guidelines ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) bilang patuloy sa paghahanda ng DepEd para sa gradual reopening ng face-to-face classes.
“Magkasama na naming binabalangkas ng Department of Health ang guidelines for the reintroduction of face-to-face classes,” sabi ni Usec. Nepomuceno Malaluan.
Sa isang interview ng ABS-CBN News kay Usec. Malaluan, chief of staff ng Office of the Secretary, aniya na ang guidelines ay subject to the approval pa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan, sinabi ni Duterte noong Hunyo na hindi niya papayagan magkaroon ng face-to-face classes hanggang maabot na ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.
“That is a decision that will ultimately be made by the president but, as conveyed to the department by the secretary, the president has continued to allow, as per the secretary, the continued preparations for such, subject to his final approval,” pahayag ni Malaluan.
Ayon sa mga officials nais nilang matapos ang guidelines “as soon as possible”, sapagkat marami na silang ginawang paghahanda para matuloy na ang face-to-face classes at dagdag pa nila na ang guidelines ay “in a very advanced stage already”.
“Kasama dyan iyong pagpapalalim ng paghahanda ng mga paaralan natin, pag-communicate dyan sa field units natin para mapaghandaan in anticipation of the time that we will be able to have the approval of the president for the reintroduction,” sabi ni Malaluan.
Dagdag pa ni Malaluan na patuloy ang kanilang paghahanda habang sila’y naghihintay ng approval para matuloy ang in-person classes.
“Even in the opening of the economy, may mga sector tayo na binubuksan or areas na maaari nang buksan pero kailangan pa ring sundin iyong mga protocols for safety,” aniya.
“Tuloy pa rin namin nire-refine iyong risk assessment tools natin sa Department of Education. Malaki na iyong advance na nagawa namin sa bagay na iyan.”
Noong Pebrero, tinanggihan ng Pangulo ang pagkakaroon ng pilot test para sa in-person classes, sapagkat hindi pa nagsisimula ang roll-out ng COVID-19 vaccination program sa panahong iyon.
Samantala, ayon sa datos ng Commission on Higher Education (CHED), 93 mga kolehiyo at universities sa 15 na regions ay nagsimula na magkaroon ng limited face-to-face classes para sa may Medicine at allied courses.
Source: ABS CBN