National News
DOH: MGA RESIDENTE SA LOW RISK MGCQ AREAS, REQUIRED PA RIN MAG-STAY-AT-HOME
Mahigpit pa ring pinapatupad ng Department of Health na kailangang manatili sa kanilang mga tahanan ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng low risk modified general community quarantine.
“Kahit anong level po ng community quarantine, basic prinsipyo pa rin po ang ipinatutupad. Kung non-essential po ang gagawin outside your home, huwag ka lumabas,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa press briefing.
Inihayag ito ni Vergeire kasunod sa pag-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 28 na mga lugar sa bansa na nasa low risk MGCQ protocol.
Giit pa niya, dapat pa ring magsuot ng face mask at mag-observe ng physical distancing ang mga residente na nagsasagawa ng essential activities.
“Kailangan po natin i-enforce ang minimum health standards para wala pong magkasakit as we ease out the restrictions,” ani Vergeire.