Connect with us

COVID-19

DOH, naghahanda para sa “worst case scenario” na maaring mangyari sa gitna ng pag-taas ng kaso ng COVID-19

Published

on

worst case scenario

Naghahanda na ang Department of Health (DOH) sa “worst case scenario” na maaring mangyari sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 dulot ng mas nakakahawang Omicron variant.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, handa na sila kumuha ng mga health care workers mula sa iba’t ibang sektor upang makatulong sa paglaban sa virus.

Kabilang dito ang mga post-graduate interns at health care workers mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

“Post graduate interns… are being asked by the hospitals where they finish their internship to help, volunteer. Mayroon na po tayong programang ganun to help with our regular human resource for health and we also have an augmentation program,” sinabi ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taped meeting.

“We are making sure that all available healthcare professionals will be on deck and prepare for the worst case scenario,” dagdag niya.

Bukod pa dito, sinabi rin ni Duque na kung magiging “overwhelmed” muli ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa mataas na bilang ng mga taong positive sa Covid-19, mag-dedeploy ang kanyang agency ng mga health frontliners mula sa ibang bahagi ng bansa.

“Tama po kayo sir, we really have to prepare for the worst case scenario and that’s exactly what we have started to do,” aniya.

Ang Pilipinas ay nakakakita muli ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa gitna ng mga lokal na kaso ng Omicron variant, na batay sa pag-aaral, mas mild ito kumpara sa Delta.