Connect with us

National News

DOH, NILINAW NA WALANG SHORTAGE SA SUPLAY NG PARACETAMOL AT SA MGA FLU MED

Published

on

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang shortage sa suplay ng Paracetamol at iba pang gamot para sa flu-like symptoms sa bansa.

Sa inilabas na pahayag DOH, sinabi nitong agad nilang kinonsulta ang mga drugstore chains at local manufacturers at suppliers dahil sa mga ulat na diumano’y may kakulangan ng suplay sa mga naturang gamot.

“The DOH would like to assure the public that while there is an observed increased demand for such products, there is no ongoing shortage in the Philippines. Paracetamol has many generic alternatives in the market, which are available in many drug stores nationwide,” saad ng ahensya.

Umapela rin ang DOH sa publiko na iwasang mag-imbak at panic-buying: “We would like to appeal to consumers however to refrain from hoarding, panic-buying or unnecessary purchases of such medications when not clinically warranted.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi pa sila nakatanggap ng ulat na mayroong shortage sa suplay ng paracetamol.

Mababatid na mabilis na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa NCR at mayroong banta ng Omicron variant sa bansa.

Nitong Lunes, nakapagtala ang DOH ng dagdag na 4,048 kaso ng COVID-19.