Connect with us

National News

DOH, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa Lepto mula sa baha ni Enteng

Published

on

DOH, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa Lepto mula sa baha ni Enteng

Ngayong malayas ang ulan dahil sa bagyong Enteng, pinapaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga mamamayan na mag-ingat sa Leptospirosis mula sa baha.

Ayon sa DOH, madumi ang tubig baha kung kaya’t nararapat na iwasan hanggat kaya. Kung hindi maiiwasang.lumusong, hugasan agad ang katawan ng tubig at sabon pagkaahon. Anuman ang dahilan, basta napalusong, kahit walang sugat o nararamdaman, kumonsulta agad sa doktor o health center sa loob ng 1-2 araw.

Paalala pa ng kagawaran, mayroon pa ring antibiotic prophylaxis (pag-iwas), at libre ang konsulta at reseta sa government health center.

Naka price-freeze pa rin ang mga gamot kasama ang Doxycycline sa mga lugar na tinamaan noon ng bagyong Carina, hanggang September 23.