Connect with us

National News

DOH SEC. DUQUE, PINAG RE-RESIGN NG 14 NA SENADOR

Published

on

Pinag re-resign ng mga senador si Department of Health Sec. Francisco Duque, III.

Sa inihaing resolusyon ng 14 na senador hiniling nila ang pagbaba sa pwesto ng kalihim dahil sa umano’y kabiguan ng liderato niya sa pagsugpo sa COVID 19.

Kabilang sa mga batikos ng mga senador, may kapabayaan si Duque, walang foresight at Hindi ganap na nagawa ang mandato bilang kalihim ng DOH sa harap ng banta ng virus.

Kabilang sa mga senador na naghain ng resolusyon sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Miguel Zubiri, senators Nancy Binay, Joel Villanueva, Imee Marcos, Gwen Gatchalian, Bong Revilla, Ping Lacson, Sonny Angara, Grace Poe, Francis Tolentino, Manny Pacquiao, Ronald Dela Rosa at Lito Lapid.

Ipinagtanggol naman ni Foreign affairs Sec. Teddy Boy Locsin si Duque. Sinabi ni Locsin sa kanyang Twit na si Duque ang pinakamahusay na tao para sa posisyon.

Wala pang tugon ang kalihim sa inihaing resolusyon ng mga senador.