Connect with us

National News

DOH, tiniyak na wala pang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas

Published

on

Image: WHO/Nigeria Centre for Disease Control
Isiniguro ng Department of Health (DOH) sa publiko na wala pang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.

“In the interest of protecting the general public from both diseases and misinformation, the DOH provides this advisory about the recent cases of monkeypox found in European countries, the United States, Canada, and the United Kingdom. To date, monkeypox has not been detected within the Philippines or at its borders,” anunsyo ng DOH kahapon, Mayo 20, 2022.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral disease na nakukuha mula sa mga hayop na unang partikular sa Central at West Africa.
Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, rashes, swollen lymph nodes na posibleng maging sanhi ng komplikasyon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga health authorities sa European countries, United States, Canada at United Kingdom ang nabanggit na sakit matapos madetect sa kanilang bansa.