Connect with us

National News

‘Doktor Para sa Bayan Bill’ inaprubahan na ng senado

Published

on

Image: GMA news

Lusot na sa pangatlo at huling pagbasa sa Senado ang “Doktor para sa Bayan” bill sa botong 22-0.

Layon ng Senate Bill 1520 na magbigay ng scholarship sa mga nais maging doktor.

Layon din ng panukalang batas na i-cover ang tuition ng medical students, school fees, mga libro, uniporme at maging ang mga allowance nito.

“This measure comes at the most opportune time as our country continues to battle against the devastating health impacts of COVID-19. This law will help the healthcare system sector to be better prepared for similar health emergencies in the future,” saad ni Senate President Vicente Sotto III.

Ayon naman kay Senator Sonny Angara dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga ‘underprivileged’ at karapat-dapat na estudyante na nais makapag-aral ng medisina.

“We believe that our underprivileged but deserving students, who wish to provide for a better life for their families and to serve the country and its people as physicians, should be given the opportunity to do so. Because it is through their dedicated service that our healthcare system becomes more resilient, and gains a better chance of withstanding any pandemic,” ani Angara.

Samantala ang naturang scholarship ay mangangailangan ng return service na may katumbas na bilang ng mga taon kung saan ang estudyante ay natulungan ng medical scholarship program.