Connect with us

National News

DOLE magbibigay ng temporary na trabaho ₱537/day sa mga nasa ECQ

Published

on

emergency employment package

Ayon sa Department of Labor and Employment, magbibigay sila ng emergency employment package sa mga na-displaced na manggagawa dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa ilalim ng TUPAD o Tulong Panghanap Buhay para sa Displaced Workers’ unemployed and self-employed workers, at sa mga nag-tratrabaho sa non-formal sector, tulad ng mga vendors, drivers, at helpers ay maaring mag-apply sa emergency employment.

“Bibigyan namin sila ng 10 days of work at ibibigay ang sweldo nila. Ang sa NCR naman, P537 per day, 10 days that will give them P5,370. Buo yan, ibabayad sa pamamagitan ng remittance center,” pahayag ni Bello sa Balitaan sa Maynila forum nitong Linggo.

Ang TUPAD ay nag-bibigay ng emergency employment para sa mga displaced workers na may minimum period ng sampung araw at maximum ng 30 na araw, depende sa nature ng tinatrabaho, saad ng DOLE.

Dagdag pa ni Bello na ang mga taong itinuturing bahagi ng formal sector, na ang kita ay nabawasan dahil sa mas kaunting working days o working hours, ay maari ding mag-apply sa programa.

Samantala, nag-apela ang DOLE sa Department of Budget and Management ng karagdagang P2 bilyon, at sinasabi na ang pondo ng DOLE ay “already been fully utilized.”

“Kapos kami sa pondo para sa formal workers, pero may pera pa kami sa informal workers,” aniya.

Sinabi rin ni Bello na ang DBM ay maaring italaga ang ibang pondo upang mapondohan ng DOLE ang initiative.

Source: ABSCBN