Connect with us

National News

DOLE, OWWA, DOH binigyan ng 1-week ultimatum ni PDU30 para mapauwi ang OFWs na nasa quarantine facilities

Published

on

BINIGYAN ng isang linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment, (DOLE) Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Health (DOH) upang payagan nang makauwi ang 24,000 overseas Filipino workers na nananatili ngayon sa quarantine facilities at naghihintay na lumabas ang kanilang COVID test results.

Batay kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iniatas umano ni Pangulong Duterte, na gamitin ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ang lahat ng resources ng gobyerno at gamitin lahat ng transportasyon upang masiguro na makauwi ang mga OFW.

Aniya, utos ng Pangulo na dapat palakasin ang PCR testing sa buong bansa upang maka-direcho na ng uwi ang OFWs sa kanilang mga lugar at para doon na lamang sila magpapasailalim sa PCR testing.

Ayon pa kay Roque, hindi katanggap-tangap sa Presidente ang matagal na proseso na naka-quarantine na OFW.

Pahayag ng Pangulo, nahirapan na ang mga OFWs sa pagta-trabaho sa ibang bansa kaya’t marapat na lamang na hindi sila mahirapan ulit sa sarili nilang bansa.