Connect with us

National News

DOST: Online post sa umano’y super typhoon, ‘fake news’ 

Published

on

Tinawag na ‘fake news’ ng Department of Science and Technology (DOST) ang kumakalat na post online hinggil sa umano’y super typhoon na tatama sa bansa.

Ayon sa ahensiya, walang paparating na super typhoon kundi mahinang low pressure area (LPA) lamang na posible na ring malusaw.

Sa mga kumakalat kasing misinformation online, magiging kasing lakas umano ito ng bagyong Yolanda at tatawaging “Lakas”.

Batay naman sa listahan ng mga bagyo sa Pilipinas ngayong 2024, walang pangalang Lakas at kung may papasok man na bagyo ay dapat na nagsisimula ito sa letrang “B” para sa “Butchoy” at hindi ang “L” na para sa “Lakas.”