Connect with us

National News

DOT: “No Certificate, No Operation policy” sa mga hotels at resorts sa MGCQ areas

Published

on

Mahigpit na ipanatutupad ng Department of Tourism sa business establishments partikular ang mga hotels at resorts na kailangan muna itong makakuha ng Certificate of Authority to Operate bago muling magbukas sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Batay kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, obligadong kumuha ng sertipikasyon ang lahat na nagnanais magbalik-operasyon katulad ng accommodation establishments kabilang ang in-house food facilities para sa take-out at delivery services.

Giit pa ni Puyat, kung sinuman ang magtatangkang magbukas nang walang DOT certificate ay papatawan ng penalties at mahaharap sa administrative sanctions, tulad ng pag-tanggal ng kanilang DOT accreditation o ang kanilang business permit.

Paalala ng kalihim, libre ang application sa naturang requirement, kailangan lang magsumite sa regional office ng letter of intent to operate. Habang sa mga non-DOT-accredited establishments, dapat itong mag-apply para sa accreditation.

Aniya, kailangan ding makipag-ugnayan sa local government units para sa assessment hinggil sa pagiging handa ng lugar na suportahan ang pagbabalik ng tourism activities.

Samantala, katuwang naman ng DOT ang stakeholders sa pagtalima sa mahigpit na guidelines ng Inter-Agency Task Force kaugnay sa muling pagbubukas ng mga negosyo sa transition ng community quarantine level.