National News
DOTR, NAGLAAN NG 2 QUARANTINE SHIPS PARA SA MGA SEAFARERS
Manila– Gagawing pansamantalang quarantine facilities ang dalawang passenger vessels para sa mga magbabalik na seafarers at iba pang Overseas Filipino Workers na kinakailangang isailalim sa 14-day quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Transportation.
Sa press release ng DOTR, sinabing kabahagi ng proyektong ito ang 2Go Shipping na layong makapagserbisyo sa 1,500 pasyente sa susunod na linggo.
Aniya parte ng kanilang safety protocols ay mapigilan ang pagkalat ng virus, ang kapasidad ng bawat barko ay limitado lamang para sa tamang physical distancing.
Ang dalawang barko ay nakatakdang inspeksyunin ng Department of Health para masigurado ang iba pang health facilities.
“This is also expected to unburden hospitals that are now operating at full capacity,” dagdag pa nito.
Samantala, siniguro ng Philippine Coast Guard na tutugon sila sa mga protocol maging sa maritime safety at security regulations.
Habang susuporta naman ang Philippine Ports Authority para masiguro ang administrative at logistics operations.
Nakikipag-ugnayan na din umano sila sa ibang shipping companies para maki-isa sa kanilang proyekto.
Source: Remate News Team/FGDC