National News
‘DOUBLE FACE MASK’ INIREKOMENDA NG DOH EXEC DAHIL SA PAGTAAS NG COVID-19 SA BANSA
INIREKOMENDA ni Health Undersecretary Bong Vega sa publiko ang pagsuot ng dobleng face mask dahil sa paglubo ng kaso ng COVID-19.
Aniya, dagdag proteksyon ang pagsusuot ng dobleng face mask, lalo na ngayong sumirit na sa 66,567 ang active cases sa bansa.
“These are alarm bells, but what is more important is how do we make sure that the public adhere to minimum public health standards. We can double [our face] mask, do a granular or zonal lockdown like in August or September [last year] to cut transmission in communities,” saad ni Vega sa public briefing.
Paalala pa niya, huwag dapat makipagsalamuha nang matagal sa mga tao at kailangang mas marami ang bentilasyon.
“Aside from that [double masking], we need more ventilation, and people should not interact with others for so long. We have to enhance our compliance with minimum public health standards.”
Nilinaw naman ng opisyal na personal niya lang itong rekomendasyon at hindi direktiba mula sa Department of Health (DOH).