Connect with us

National News

Driver’s License Cards, inaasahang maipapamahagi sa mga Motorista sa Agosto o Setyembre – DOTr

Published

on

Driver's License Cards, Inaasahang Maipapamahagi sa mga Motorista sa Agosto o Setyembre - DOTr

MANILA, Philippines – Ayon kay Secretary Jaime Bautista ng Department of Transportation (DOTr), inaasahan na maaaring makuha ng mga motorista na binigyan ng temporaryong papel na driver’s license ang kanilang pisikal na mga lisensya sa mga buwan ng Agosto o Setyembre.

Nitong Martes, sinabi ni Bautista na aabot sa 130,000 na pending driver’s license cards ang inaasahang mabibigay pagdating ng Setyembre, kung saan “mag-no-normalize” ang kakulangan.

“’Yung license natin, we’re expecting delivery by next week, initially pakonti-konti lang ‘yan. By September na-deliver na lahat ‘yung pending natin na dapat iisyu,” sabi niya.

Nagresulta ang kakulangan ng plastic cards sa backlog sa pag-isyu ng mga driver’s licenses, na siyang dahilan kung bakit nag-isyu ng pansamantalang papel na lisensya ang mga opisina ng LTO.

Sa pamamagitan ng LTMS Portal, maaaring ma-access ng mga motorista na wala pang aktuwal na plastic driver’s license card ang electronic driver’s license (eDL) na ibinigay ng LTO.

Maaaring gamitin bilang alternatibong mga identification cards ang mga eDLs, sabi ni Bautista, at dagdag pa niya na dapat mayroon din ang mga may hawak ng driver’s license ng pisikal na kopya.

Bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na linggo, sinabi ng isang opisyal ng LTO na ilalabas ang hindi bababa sa 5,000 na driver’s license cards.

Ang unang batch ng mga lisensya ay ibibigay sa mga overseas Filipino workers at sa mga bagong aplikante ng driver’s license.

Naunang inihayag ng DOTr at Land Transportation Office na inaasahang magpapatuloy ang kakulangan ng 500,000 plastic card hanggang sa Oktubre, bilang tugon sa memorandum circular noong Abril 24 na nagpapalawig ng bisa ng driver’s licenses hanggang Oct. 31.