Connect with us

National News

DSWD: Miyembro ng 4Ps na nais magpabakuna, lumobo

Published

on

Photo Courtesy| Provincial Health Office

Dumami na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nais magpabakuna kontra COVID-19 kasunod ng banta ni Pangulong Rodrido Duterte.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova na marami talagang 4Ps beneficiary ang takot na magpabakuna sa paniniwalang may masama itong epekto.

“Prior to our vaccination program, meron talagang ano, hesitancy and fears ang ating mga benepisyaryo. Ito ay napag-alaman namin based on the survey namin bago tayo nagkaroon ng bakuna,” ani Relova.

Pero marami na ngayon ang nagpapabakuna dahil sa pagsasagawa ng ‘information drive campaign’ ng DSWD.

Mayroong nasa 526,000 nabenepisyaryo na raw ang nakapagpabakuna kontra COVID-19 at posibleng tumaas pa ang bilang kapag nagkaroon na ng massive rollout.

Samantala, naas 3.5 million pa umano ang mga hindi pa nakatatanggap ng bakuna sabi ni Relova as of Nov. 5.