National News
DSWD, TARGET NA MAKUMPLETO ANG PAMIMIGAY NG EMERGENCY SUBSIDY BAGO MATAPOS ITONG LINGGO
Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto na ang pamimigay ng Covid 19 emergency subsidy bago matapos itong linggo.
Ayong kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao ito ang kanilang projection subalit aminado n merong mga hindi maiiwasang kunting aberya sa distribusyon dahil sa isyu ng manpower at distribution strategies.
Ngunit sa Kabila ng nasabing mga isyu ipinasiguro ni Dumlao ang kanilang pangako na maibigay ang tulong sa tamang benepisyaryo.
Ang emergency subsidy ng DSWD o mas kilala bilang Social Amelioration Program (SAP) ay nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act para mas matugunan ng bansa ang pangangailangan sa paglaban kontra covid 19 pandemic.
Nakasaad din sa batas na ang mga mahihirap na pamilya na napabilang sa informal sector ang siyang makakatanggap ng tulong mula P5,000 hanggang P8,000.
Naglaan naman ng P200 billion na pundo ang DSWD para sa SAP at nagsimula ng ipinamigay ang subsidiya sa mga kwalipikadong pamilya noong April 3.