National News
DSWD to LGUs: Pinapayo ang door-to-door SAP payout
Ipinaalala ng head ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI kahapon na makakabuti na door-to-door ang pagbibigay ng Social Amelioration Program.
Ayon kay DSWD Regional Dir. Ma. Evelyn Macapobre hindi pwedeng makompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.
Muli itong ipinaalala ni Macapobre sa ginawang virtual presser kahapon ng ahensya.
Ito ay matapos umabot sa kanya ang impormasyon na may mga LGUs na nagsasagawa ng payout na Hindi sumusunod sa safety protocol.
Ipinaalala rin nito sa mga LGUs ganon din sa mga beneficiaries na andyan Pa rin ang banta ng COVID 19.
Base sa Memorandum Circular 09 series of 2020, isa sa mga pamamaraan na pinapayagan ng ahensya ay ang door-to-door at sa pamamagitan ng distribution points.
Subalit kung gagawin anya ang payout sa pamamagitan ng distribution points dapat limitado o kakaunti lamang na grupo.
Dapat din umanong may hand washing area, sabon at tubig. May alcohol at sanitizers.
Dapat din na nakasuot ng face mask ang implementers at beneficiaries at may isang metrong distansya bawat tao.
Hanggang kahapon, ang kabuuang 133 LGUs ay nakumpleto na o naka umpisa ng mag payout sa kani kanilang munisipalidad.
May Kabuuang 688,497 family beneficiaries na ang nakatanggap ng SAP cash grant na umaabot sa P4.1 billion.