Connect with us

National News

DSWD, wala pang pondo para sa social pension ng 600,000 senior citizens

Published

on

Kahit sa taong 2025, wala pang garantiya na mabibigyan ang 600,000 senior citizens na nasa waitlist ng social pension mula sa gobyerno.

“Yung mga bagong seniors, doon talaga wala tayong pambayad,” saad ng senador na sponsor ng budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa deliberasyon ng budget ng DSWD nitong Martes.

Ayon kay Senator Imee Marcos, posible pang tumaas sa 800,000 ang numero ng mga senior citizen sa waitlist

Noong 2023, nasa 490,000 senior citizens ang hindi nakatanggap ng cash aid dahil sa kawalan ng pondo at lumobo pa ito sa 622,000 ngayong 2024. MAS