National News
DTI, MAGBIBIGAY NG AYUDA SA MALILIIT NA NEGOSYANTE NA APEKTADO NG ECQ
Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na mabibigyang tulong ang mga maliliit na negosyante tulad ng micro-small at medium enterprises sa harap ng krisis bunsod ng COVID 19.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, naglaan ng P1B ang DTI para sa COVID 19 Enterprise Rehabilitation Financing Program. Gamit ang naturang pundo makakatanggap ng P5k – P20k loan assistance ang mga micro-small enterprises habang makakakuha naman hanggang P500k pautang ang mga small enterprise.
Layon nitong makabangon ang mga negosyo sa pagkalugi matapos pansalamantalang ipatigil ang kanilang operasyon Alinsunod sa umiiral na enhance community quarantine o ECQ.
Kaya mula karaniwang buwanang interesting na 2.5% binawasan ito ng DTI at ginawang 0.05%. Ibig sabihin kung mangungutang ng P5k ang isang negosyante aabot lamang sa P250 ang kanyang interest rate, higit na mas mababa kumpara sa 5-6 lending scheme na kinokondena ng DTI.
Maaaring kunin ang loan assistance pagkatapos ng ECQ.
Bukod dito naglaan na rin ang DTI ng higit P200M subsidiya para sa mga micro-small at medium enterprises.
Makakatanggap ng P5k-P8k ayuda ang mga kwalipikadong negosyante. Ilalabas ng DTI ang mga kwalipikasyon ng mga benepisyaryo.
Samantala, muling iginiit ng DTI, hindi dapat maningil ng renta ang mga mall operator at commercial landlord sa mga negosyong pansamantalang nagsara dahil sa ECQ. Binigyan din ng tanggapan ng 30 araw na moratorium ang mga negosyo sa pagbabayad ng kanilang mga utang sa anumang lending institutions na kaagapay ng DTI.